LOOK: Paolo Duterte Nagsalita na sa Ambush ng NPA sa PSG Convoy "Tunay nga na ang NPA ay ang mga totoong traydor ng bayan."

"Tunay nga na ang NPA ay ang mga totoong traydor ng bayan."

Ito ang diretsahang pahayag ni Davao Vice-Mayor Paolo Duterte matapos tambangan at paulanan ng bala ng pinaniniwalaang New People's Army (NPA) ang convoy ng Presidential Security Group (PSG)ni Pangulong Duterte kaninang alas 6:00 ng umaga.

image

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Pulong na ang ginawang pag-ambush ng NPA ay isang patunay na hindi sinsero ang grupo sa usaping pagkapayapaan ng bansa at pinapakita lamang nito ang pagiging opportunista na layon lamang ay manggulo at kontrahin ang administrasyon.

Kahapon lamang ay nakipagpulong ang makakaliwang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, pero aniya "habang pilit na inaamo ng Pangulo ang mga kaliwa, habang naghahanda para sa peace talks, sinasaksak ng NPA ang gobyerno sa likod. Habang nilalabanan ng gobyerno ang mga terorista sa Marawi, inaatake naman nila tayo."

Kwinestiyon din ni Pulong kung bakit pilit na sinasabotahe ng NPA ang kagustuhan ng NDF at sa kanyang tanong sinabi nito: "Bakit kaya sinasabotahe ng NPA ang mismong peace talks na gustong mangyari ng NDF. Bakit? Dahil ba kung may peace talks, kung may peace agreement, mawawala na ang livelihood ng mga NPA na nagkakahalaga ng milyon-milyon mula sa mga development contractors, mining companies, plantation owners, at marami pang iba?"

image

Read his full statement below:

Ang nangyaring enkwentro sa pagitan ng Presidential Security Group at ng New People's Army sa Arakan Valley kaninang umaga ay isang patunay na hindi sinsero ang NPA at wala itong pakialam sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang nangyari ay nagpakita lamang na isang oportunistang grupo and NPA na ang layunin ay walang humpay na gulo, kamatayan, at paghihirap lalo na sa mga mahihirap na mga Pilipino na, sa matagal na panahon, ay ginamit nilang rason upang labanan ang gobyerno.

Kahapon lamang ay mismong mga lider ng makakaliwang mga grupo ang nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Habang pilit na inaamo ng Pangulo ang mga kaliwa, habang naghahanda para sa peace talks, sinasaksak ng NPA ang gobyerno sa likod. Habang nilalabanan ng gobyerno ang mga terorista sa Marawi, inaatake naman nila tayo.

Tunay nga na ang NPA ay wala nang politikal na paninindigan.

Tunay nga na ang NPA ay hindi na kontrolado ng NDF at ng Communist Party of the Philippines

Tunay nga na ang NPA ay ang mga totoong traydor ng bayan.

Bakit kaya sinasabotahe ng NPA ang mismong peace talks na gustong mangyari ng NDF. Bakit?
Dahil ba kung may peace talks, kung may peace agreement, mawawala na ang livelihood ng mga NPA na nagkakahalaga ng milyon-milyon mula sa mga development contractors, mining companies, plantation owners, at marami pang iba?

Pakisagot.

Follow us on facebook
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.