BREAKING: 4 BIFF Members, Patay Sa Sagupaan VS Militar Sa Maguindanao


Patay ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang maka-engkuwentro ng tropa ng pamahalaan sa bayan ng Rajah Buayan at Mamasapano, Maguindanao araw ng Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Edgar Catu ng 40th Infantry Batallion ng Philippine Army, nagsasagawa sila ng combat clearing operations laban sa BIFF nang mangyari ang sagupaan.

Ang operasyon ay inilunsad matapos ang pagpapasabog sa Barangay Pidsandawan sa nabanggit na bayan na ikinasugat ng siyam na sundalo.

Nabatid na sakay noon ang mga kawal sa military vehicle patungo sa Barangay Bakaj at Barangay Xapakan  nang masabugan nang  improvised explosive device (IED) na itinanim ng BIFF.

Samantala, itinanggi naman ni BIFF Spokesman Abu Misry mama ang ulat na nalagasan sila ng apat na miyembro sa naturang sagupaan.
Follow us on facebook
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.