BREAKING: 19 na chief of police sa Region 6 sisibakin sa pwesto


Aabot sa labingsiyam na hepe ng pulisya sa mga bayan sa Region 6 ang sisibakin sa pwesto

Ito ay dahil sa kabiguan na magkaroon ng accomplishment anti-drug war campaign na Oplan: Double barrel reloaded simula pa noong buwan ng Marso.

Ayon kay PRO 6 Regional Director  C/Supt. Cesar Hawthorne Binag, kabilang sa masisibak ang ilang mga chief of police sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo.

Sinabi ni Binag na sisibakin ang labing siyam na hepe ng pulis base na rin sa naging rekomendasyon ng
Regional Oversight Commiittee ng PNP-PRO 6.

Ipauubaya na ni binag sa mga PNP Provincial Directors ang pagpapatupad ng kani-kanilang relieve orders.

Nabatid na limampu’t siyam na chief of police sana ang sisibakin sa puwesto subalit nakaligtas ang iba matapos magsisuko at maaresto ang ilang mga street level at high value targets na drug personalities sa kani kanilang mga lugar.
[source]
Follow us on facebook
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.