IN VIDEO: Hostage ng Maute, Nakatakas sa Pamumugot ng Ulo


Nakaligtas sa pagpugot ang isang hostage ng grupong Maute sa Marawi. Patuloy naman ang bakbakan sa lugar.

Isa si 'Romy' sa 18 naging hostage ng grupo ng Maute sa Lilod Mapandi.

"Tatlong araw kaming napreso, na-hostage. Hindi kami pinakain. Sabi ng isa, 'Pinakain na ba mga hostage?' Tapos sabi, 'Bakit mo sila pakainin. Patayin din,'" kuwento ni 'Romy'.

Araw-araw umanong namumugot ng tatlong sibilyan ang mga terorista.

"'Yung Maranao, pinugutan ulo. 'Yung isang Maranao, na-hostage na kasama namin, tapos ginanoon ulo sa amin. Sabi, 'Maranao ito. Kayo pa kaya, Bisaya kayo,'" kuwento niya.

Sa araw na siya naman ang pupugutan, suwerteng nagsagawa ng air strike ang militar.

"Suwerte kami. Schedule na pugutan kami ulo, dumating 'yung helicopter, nagbomba. Sabi, 'Ipasok sila ulit! Ipasok sila ulit,'" aniya.

Akala niya ay ligtas na siya, pero muli siyang itinali at pinaluhod kinabukasan.

"Bukas naman, inilabas kami ng bahay. 'Nasaan 'yung tatlo?' Nakaposas kami. Noong nilalabas na kami, nakita ko, may dala na mahaba. Dumating na ulit helicopter. Bomba ulit. 'Pasok sila ulit! Pasok ulit!' Takbuhan sila," dagdag pa niya.

Doon na tumakas si 'Romy' at iba pa niyang kasama. Tumalon sila sa ilog at lumangoy patungo sa safe zone.

Hindi lahat ay nakaligtas.

"Lahat kami nakatakas, dito kami tumalon sa tubig pero namatay kasama namin. Namatay, 'di marunong lumangoy. Wala pang kain kaya mahina na," aniya.

 Katawan ng ilang banyagang pinaniniwalaang terorista, nadiskubre

Nasa ika-33 araw na ang bakbakan sa lungsod ng Marawi pero tuloy pa rin ang mga airstrike, at dumadami pa lalo ang mga nasusunog.

May 89 ding hinihinalang banyagang terorista ang nasa iba-ibang lugar sa Mindanao, kasama na ang Marawi, ayon sa isang ula tng Philippine National Police.

Ayon sa ulat na nakuha ng Kyodo News, kasama sa mga hinihinalang banyagang terorista ay 28 Indonesian, 26 na Pakistani, 21 Malaysian, apat na Arabo, tatlong Bangladeshi, isang "Indian-Singaporean", at isang Singaporean.

Inaalam pa ang nasyonalidad ng lima pang iba.

Ayon sa Kyodo News, iniulat din ang mga ito ng gobyerno noong Huwebes sa isang pagpupulong sa Maynila ng mga foreign ministers at iba pang opisyal ng Pilipinas, Malaysia, at Indonesia.

Samantala, dalawang labi ng pinaniniwalaang banyagang kaanib ng mga teroristang grupo ang nadiskubre ng awtoridad kahapon ng Biyernes.

"Maganda po kahapon, may nakita kaming mga bodies...," ani Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., komander ng Western Mindanao Command.

Sa kabuuan, 10 na ang nadidiskubreng bilang ng mga napatay na banyagang terorista sa conflict zone.

Nasa halos 300 miyembro na ng grupong Maute ang namatay, at 69 naman sa tropa ng gobyerno ang nalagasan, ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella.

Nananawagan naman ng tigil-putukan ang grupo ng mga imam lalo't bukas makalawa ay Eid'l Fitr na.

"Kaya sana panawagan namin sa both parties... sa gobyerno natin at saka itong sinasabi nilang Dawla o kaya ISIS o Maute group naman, ay sana itigil na muna ang putukan. Irespeto natin itong araw na pinaka-espesyal talaga sa mga Muslim sa buong mundo," ayon kay Saad Ibrahim Amate, National President ng United Imam of the Philippines.


WATCH VIDEO BELOW
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Follow us on facebook
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.