Sunod-sunod Na Pagkawala Ng 4 Na Batang Babae, Inalarma


Nadatnan ng Radyo Patrol sa Taguig police headquarters ang isang ginang na tumangging ipagbigay-alam ang pangalan para sa kaligtasan ng kanyang apo.
Sa kanyang report sa pulisya, sinabi niyang dinukot ang 15-anyos niyang apo sa may MLQ Road habang papunta sa simbahan noong Linggo ng hapon.
Nakontak pa ng dalagita ang kanyang lola kagabi upang humingi ng tulong.
“Tulungan daw po siya dahil kinuha daw po siya ng van na puti, marami daw po sila... Hindi raw po sila pinapakain, papatayin daw po sila,” sabi ng kanyang Lola.
Diumano, nasa isang bahay raw siya na malapit sa talahiban kasama ng iba pang hostage na mga kaedaran niya rin.
“Pangalawang text po, ngayon lang po ulit, ang sabi, mayroon na raw pong ibinenta, mayroon na daw pong kinuha ngayong umaga. Paano po namin siya tutulungan, wala pong lead kung saan namin siya pupuntahan? Basta ang sabi niya po, nasa bukid sila,” sabi ng Lola niya.
Ayon naman sa Barangay Tanod na si Jose Laurora, may tatlong mga batang babae na magkakapatid rin na nasa edad tatlo, pito at 10 ang nawala noong pang Sabado.
Kinilala ang mga batang magkakapatid na sina Ysabelle Ezra Yanos (3), Ysabelle Yves Yanos (7) at Ysabelle Edvyne Yanos (10).
Sa impormasyon na nakalap, may dumampot umano sa mga bata sa may MLQ Road din habang papunta sa eskwelahan sa Hagonoy street. [Read more: AbsCbn]
[source]
Follow us on facebook
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.