Ipinaliwanag sa Actress na Si Jean Garcia Kung Bakit Pabor Siya Sa Death Penalty


Pabor ang aktres na si Jean Garcia sa panukalang-batas na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Jean kung bakit ganito ang opinyon niya.

Saad niya, “Honestly, yeah, yes!

“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga... iyon, sa drugs, killer…

“Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.

“Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba?

“Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba?

“Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot.

“Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin.

“Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 711, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?

“And we want that for our country, di ba?”

Patuloy ni Jean, “Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.

“So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo.

“Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!

“Gumawa ka ng tama, di ba?”

Ayon pa sa aktres, “So, nasa sa tao yun.

“Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba?

“Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa Dionisio Cornel Memorial Medical Center, Antipolo City, last week.

Ano naman ang masasabi niya na ang mga krimen lang na may kinalaman sa drugs ang kasama sa death penalty, pero ang rape ay hindi?

Saad ni Jean, “Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.

“Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?

“Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang.

“Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape?

“Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?

“Yun lang naman yung sa akin, opinyon ko lang po ‘yan.”

[source]
Like this article
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Loading...
Powered by Blogger.